Stardust

Star light. Star bright.

Thursday, June 25, 2009

Multo

Tumambay kami sa canteen kanina. Tapos na akong magsnack, wala na akong kausap. Lahat sila busy na sa iba't ibang gawain. Sa madaling salita bored na ako kaya nagyaya akong umuwi na sa best friend kong si Febby (oo, ibang best friend na naman to), kaso nang doon boy friend niya kaya di siya pumayag pero hinatid niya ako sa labas ng school namin.

Noong nasa labas na kami nakita ko yung mahal na mahal kong multo. Nang doon siya sa bilihan ng mango shake kasama ibang mga multong hindi ko kilala. Wala naman akong pakialam sa kanila eh, sa kanya lang, sa multong mahal ko.

Naaalala ko siya, noong araw na nakakasama ko pa siya. Matagal na nga noong nangyari iyon pero klarong-klaro pa rin sa aking pag-iisip ang lahat lahat na nangyari sa aming dalawa.

Isang magandang hapon yun, nasa labas ako ng paaralan namin, naghihintay. Siya nasa kabilang dako ng kalsada, bumibili ng mango shake. Tumawid ako para at nagkunwaring bibili ng sorbetes. Gusto ko lang talaga siyang makita ng mas klaro pero sinita ako ng nagbabantay kaya't bumalik ako sa dati kong kinatatayuan.

Mabait talaga kaklase ko, tinawag niya yung lalaking mahal ko at dahil mahal niya rin ako, tumawid siya para makipag-usap sa akin. Yinaya niya akong magmango shake din. Nahihiya talaga ako sa kanya kaya't tinanggihan ko siya. Masaya na akong kausap siya. Tama na yun para sa akin. Kahit habam buhay na akong hindi makainom ng mango shake okay lang basta makausap ko lang siya.

Alam kong tatawagin na siya ng trainor nila, alam kong mauubos na oras namin, alam kong iiwan niya na naman ako. Gusto kong umiyak pero alam niya talaga ang mga dapat sabihin para maibalik ang ngiti sa aking mukha... magkikita kami uli bukas. Tapos yun, umalis na siya. Naiwan na naman ako sa kalsada kung saan nagsimula ang lahat, sa kalsada kung saan kami nagkatagpo...

Huminto na ako sa kakapanaginip. Bumalik na ako sa tamang pag-iisip ko pero di pa rin ako huminto sa kakaisip sa kanya, huminto lang talaga ako sa kakapanaginip at kakaalala sa mga magagandang nangyari sa amin. Masakit masyado, di ko natiis. Nung nakasakay na ako sa jeep naluha talaga ako. Gusto kong makapiling muli ang mahal ko, yung hindi na multo, yung totoo na, yung mayayakap ko ng mahigpit, hindi yung multong hindi ko naman nahahagkan kahit palagi ko nang katabi.

Oo nga. Isang multo na lang siya ngayon. Isang multong binabalikan ako araw-araw para ipaalala na mahal niya rin ako. Isang multong baka hindi na mabuhay uli. Multo na lang siya ngayon... isang alaala.

Isang alaala na hindi na mangyayari ulit.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home